Thursday, May 22, 2014

GREAT THOUGHTS BY CHINKEE TAN



Network Marketing Business Here in the Philippines 
with Chinkee Tan


Click here to watch and download in YouTube:

Network Marketing Business Here in the Phils


Sunday, May 18, 2014

Minds Secrets to Attracting Wealth

ATTENTION:

Isa ito sa mga dapat mong mapanood... Maraming tao na ang nag enjoy ng benefits ng exercises na ito. At sa ngayon ito ang pina practice ko... =)



Your MIND is so POWERFUL... Use it WISELY.. NOT WASTELY... 


Kindly click here to watch this video.. 

Partner, I hope na matapos mo ang video na ito para makatulong sayo... Do It Now!!!!
Make it Happen.. You DESERVED BETTER.. MORE THAN YOU CAN EVER IMAGINE!!


Isang Kahig, Isang tuka

Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.
What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!
Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.
Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.
Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.
Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.
The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands, just as we told you.”
***
Have fun investing (and spending nang pakurot!),
Omeng
 
PS: So okay lang  daw gumastos basta KUROT. So bawas-bawa muna sa pagDAKOT. At lalo naman sa pag HABLOT.
PS2: Ngayon alam nyo na rin kung bakit mahirap pa rin ang bansa natin ngayon. Ang meron kasi, hindi lang KUROT, DAKOT at HABLOT, kundi KURAKOT!
(from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo?”)

Kurot Principle



Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang ‘yon sa kanyang savings.
May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!
May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? Utang na ‘yun!
Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o utang?
Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.
Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…
Pinoy vs. Chinoy Businessman
May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000.
Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.
So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!
Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!
A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!
Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”
Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.
It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!
After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas!
Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!
Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang ‘yun! Nandiyan ka pa ba?

(short excerpt from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo?”)


Saturday, April 12, 2014

HOW TO SUBSCRIBE

Good Morning Partner,

        Kindly watch this video, kung paano ka makaka access sa 1 week intensive training at paano ka makakareceive ng email everyday

        It is not enough na mabasa mo lang ang mga post dito at makuha ang free eBook.
The very important thing to do is maka subscribe ka and to do that please follow each step na sinabi ko dito sa video. 




or if hindi mg play dito, kindly click this link: How to Subscribe in our Training Video


Thank you And Good luck
To God Be The Glory

Sunday, April 6, 2014

ATTENTION


PARTNER,

                Please be reminded na maging routine mo na mag check ng emails everyday, kasi every other day may ma rereceived ka about sa trainings, updates, FREE eBook, etc.
Please click the ACTIVITY button, kasi may mga dapat ka tapusin at i-submit sakin.

     Syempre may GIFT akong ibibigay sa mga maagap at mabilis na matatapos sa activity. May deadline bawat activity, para makita natin ang commitment mo.


So ito ang ilan sa mga pinag iisipang kong REWARD!!!!
FREE eBook na about sa LEADERSHIP.
Paano mo nga ba masasabi na isa ka ng leader?
Anong kailangan para maging great leader?

Aside from this, is about naman sa DUPLICATION.
Paano mo ma-dedelegate ang task sa mga leaders at downlines mo?
Ano ang dapat mong gawin para ma enjoy ang TIME FREEDOM, yung tipong gumagalaw ang grupo mo pero kunti na lang effort na ibinibigay o nag momonitor ka na lang.

GOODLUCK AND GODBLESS
ILOVEYOU =)



Thursday, April 3, 2014

Success



 “SUCCESS IS A JOURNEY NOT A DESTINATION

        Narinig o nabasa mo na ang quote na ito?
Isa ito sa mga paborito ko, kasi para sa akin hindi importante kung san ka makakarating, pero kung ano nga ba ang nagawa o experiences mo habang papunta ka pa lang dun.
It means that no matter what, as long as you try, you can never fail. Ibig sabihin may natutunan ka sa iyong pagkakamali at tuloy tuloy ka pa din sa paglalakbay mo.



“Success is not measured by what a man accomplishes, but by the opposition he has encountered and the courage with which he has maintained the struggle against overwhelming odds”. –Charles Lindbergh

      Naranasan mo na ba na mag biyahe pero may dinaanan kang rough roads. Kung ang sagot mo ay Oo, well parehas tayo kasi dito samin sa probinsya ay sanay na sanay na kami sa ganyan. Immune na kami dyan.
Sa Network Marketing business natin ay para field trip lang na may dadaanan kang well-built at rough roads. Sa mga nagsisimula dapat mong malaman at maintindihan na hindi ito madali lalo na kung nag aaral ka pa lang. Normal lang naman yan kasi sa kahit anong bagay at W, sa una ay hindi ganun kadali. Tama ba?
      Sa negosyo natin ay dadaanan ka muna sa mga rough roads habang nag aacquire ka ng tamang skills at knowledge pero along the way habang tumataas ang level ng iyong self confidence at ginagamit mo na ang leverage system natin ay dun na yung time na dadaan ka sa mga well-built roads. Magiging smooth at mabilis na lang ang biyahe mo.
Basta tandaan mo lang na “Enjoy and Learn from Your Journey”, hindi ko sinasabi na maging “easy-go-lucky” ka, what I mean is tingnan mo lang lahat ng bagay on a positive side kahit na napaka negative ng pinagdadaanan mo. “EVERYTHING HAPPENS FOR A PURPOSE”.

“Success is not the key to happiness. Happiness is the key to success. If you love what you are doing, you will be successful.” - Albert Schweitzer

     Para maging successful hindi yan tinatanong kung kailan, pero ang tanong kung handa ka na magtagumpay? Ang success ay laging nasa sayo, hindi sukatan kung professional o hindi ka nakatapos ng pag aaral basta ang mahalaga ay handa ka ba.
Ngayon tatanungin kita partner, handa ka ba maging successful sa business natin?
Dahil kung ready ka na, patunayan mo yan sa iyong sarili sa pamamagitan ng pag aaply nito sa iyong buhay.

“The difference between a successful person and others is not a lack of strength, is not lack of knowledge but rather a lack of will” - Vince Lombardi