MY STORY


This is about me:

        Sa mga nag re request na mag kuwento naman daw ako kung paano ako nagsimula sa Network Marketing business natin. Well, ito na. As in short story lang ito hehehe at ayaw ko maging telenovela. Baka kasi ibigay mo sa “Maalaala mo Kaya”.=)
        My real name is Rachell Ann, opss! wag ka na mag react, super girly ang name ko noh? hehe. Yung iba tinatawag akong “Itchie”, “Rackel” at kilala naman akong “Up Raki” dito sa AIM. Marami ang nag-aakala na lalake ako lalo na pag nickname ko lang ang sinasabi.
    I'm a registered nurse by profession, siguradong nagtataka ka kasi ang layo nito sa linyang pinag aralan ko. Pero sa taong decidido walang imposible kasi pwede namang pag aralan e. Ito ang isa sa maganda sa negosyo natin, kahit may natapos ka o wala ay pwedeng pwede mo itong gawin.

   Actually, both of my parents ay negosyante talaga. They’ve tried a lot. Ang father ko kasi ay “Man of all trade”. Basta mag swak sa capital walang paltos na susubukan nya. Dun ako proud sa parents ko, subok lang ng subok mula sa maliit na canteen, pizza parlor, siopao house, beauty parlor, networking, bar, gotohan, lugawan, restaurant, lodging, hardware, at construction business. Name it.. Ang dami talaga. Kaya no wonder na may naipundar sila mula sa maliit na puhunan at pagtitiyaga.
   Sabi nga ng pinsan ko kahit hindi na daw ako magtrabaho kasi pwede ko naman i-manage ang negosyo namin. Pero alam mo ang nasa isip ko? Iba kasi ang yaman ng magulang ko, iba parin kung galing sa sarili kong pagsisikap. This is not about the pride, but it’s a realization. After my father passed away, dumaan talaga kami sa walang wala, as in bankrupt kami, lahat ng naipundar na parents ko ay isa isang nawawala dahil sa pang bayad sa hospital.
     Bilang panganay, I decided na bawiin lahat ng nalugi samin, naging open-minded ako sa bawat opportunity na ino-offer sakin. Kahit ano gusto ko pasukin basta legal at ethical.
Every night I always pray na sana bigyan ako ni God ng magandang opportunity. So Law of attraction happened.      

     Paano nga ba ako na invite dito sa AIM? One day, my cousin texted me na may ipapasa daw sya na link sa facebook ko at panoorin ko daw yun. Honestly, nahiya lang ako kaya napilitan ako na i-open at panoorin.  Ganito rin ba ang na experience mo? Ok lang yan at dapat nga tayong magpasalamat sa nag invite satin kasi kung hindi dahil sa kanya ay hindi tayo payaman. Tama ba? =)
   Sobrang nahirapan din ako sa una lalo na nung nag acquire pa lang ako ng enough knowledge at skills. Since malayo nga ito sa kursong natapos ko, talagang nag invest ako ng money at time sa mga trainings sa manila. Nag research, nag download at paulit ulit nanood ng mga video presentation sa youtube. Kaya alam mo partner kung nahihirapan ka sa ngayon. Normal lang yan, basta coachable ka, handang matuto at makinig sa sasabihin ng iyong upline o mentor. Tuloy tuloy lang, pasasaan ba’t magiging successful ka din.

      3 weeks na ako bago makapag direct. Medyo matagal din bago nasundan.
Every person is unique. Naniniwala ka? Hindi lahat ng tao pare-pareho ang brain frequency at state of gestation. Anyway pag usapan natin ito sa ibang topic. May mga taong madaling matuto, mayroon din namang matagal. Masasabi ko na kabilang ako sa mga medyo matagal ang gestation, kasi nakakailang ulit ako manood ng mga video presentation bago ko ma internalize. Kaya napaka importante sakin na kapag magbibigay ako ng program sa tini-train ko ay na eevaluate ko na yung level na commitment at understanding nya. Para alam ko kung saan ako dapat mag adjust during our training.
     So, ganyan din ako noong nagsisimula, aral-aral muna, then saka nag explain ng one on one, tas yung mga pa lima-limang tao, tas 30 na tao hanggang sa big presentation na. Alam mo bang one of my ultimate fear is facing at talking in front of the crowd (public speaking). Kapag may report nga dati sa school o sa hospital, talagang nanginginig na ang tuhod at boses ko. Pero dahil nga, malalim ang reason why ko at gusto ko mabawi ang mga nalugi samin ay decided to conquer my fear. Partner, huwag na huwag mo hahayaan na mas malaki ang takot mo kaysa sa pangarap mo.

    Sa una mahihirapan ka, pero wag kang mag alala, kaya nga andito kami ng upline mo, para i-guide ka step by step. Palalawakin natin ang kaalaman mo, hanggang sa mag decide ka na tumayo bilang leader at ikaw na mismo ang gumagawa ng program at training sa mga downlines at leaders mo.
   Kung itatanong mo naman kung ano yung mga ginawa ko technique para mag invite, sige i-she-share ko sayo.Nagawa ko mag flyering, mamusakal o kumausap ng hindi kakilalang tao yung tipong nakatabi mo lang sa bangko, sa bus, sa jeep, at sa mall, mag dikit ng tarpaulin sa mga poste o likod ng pinto,, mag post sa facebook, at magtext ng magtext sa mga kakilala ko.  Ito ay mga traditional ways of approaching prospects na pwede mo pa din gawin kung gusto mong matanggal ang hiya at lumakas ang confidence mo sa pakikipag usap sa ibang tao. Gawin mo ito for the sake of experience, kasi iba parin yung maraming pinagdaanan na rejections. This is rejection business kaya dapat handa ka dito. kasi kahit naman yung mga top earners ay nakakatanggap parin ng rejections, yun nga lang hindi na ganong kadami compare sa mga nagsisimula na kagaya mo.
    I encourage na dapat mas magaling ka sa offline dapat medyo na master mo na ang table presentation, homeparty, big event bago ka mag proceed sa pagmamarket thru online. Kasi mas magiging easy na sayo mag online kapag nagawa mo na yung mga dapat gawin sa offline. Tsaka madami ka ma i-share na experiences sa mga downlines at leaders mo.

For now ito muna ang kwento ko.

Thank you and Good luck
To God be the Glory


No comments:

Post a Comment