HOW TO MANAGE YOUR TIME AS BUSINESS OWNER

Lahat ng tao pare-parehong may 24 hours sa isang araw. Ngayon nagkakatalo lang yan kung paano mo ba ito ginagamit. Tanungin kita partner, ginagamit mo ba sa tama ang bawat oras na binibigay sayo ng Diyos?
.jpg)
Oo nga, at pwede mo naman tapusin sa ibang araw ang ginagawa mo, pero kapag lumipas na yan , you can never bring that back. Your time is so precious to be wasted.
Sige partner may gagawin tayong activity.
- Itigil mo muna ang ginagawa mo.
- Ilayo mo muna ang mga bagay na makaka distract sayo. Yes yang cellphone o tablet mo. Ito lang muna ang babasahin mo. ok na?
- Umupo ka ng maayos, yung straight body. Relax at tatlong beses kang mag inhale at exhale. Ok na?
- Once na relax ka na, pumikit ka at gusto ko isipin mo ang pinaka importanteng tao sa buhay mo. Naisip mo na? Malamang magulang mo ito, o anak, o kapatid, o lolo, o lola, asawa, kasintahan o malapit na kaibigan. Sino ito?
- Alalahanin mo yung masasayang araw na magkasama kayo. Maaring kumakain kayo sa labas, sumisimba, nagkukuentuhan, namamasyal,o nanonood ng paborito nyong teleserye.
- Paano kung sa hindi mo inaasahang araw ay may biglang tumawag sayo, at sinabi na nasa hospital ang importanteng tao na ito. At pagdating mo sa hospital ay pawisang pawisan ka at nanginginig ang buong katawan. At habang kinakausap ka ng Doctor ay nakita mo ang importanteng tao na ito nakahiga sa kama at nakatingin sayo habang umiiyak. Narinig mo na sinasabi sayo ng Doctor na may 2 oras na lang nalalabi ang taong nakahiga sa kama.
- Ngayon anong gagawin mo sa natitirang dalawang oras nya dito sa mundo?
Partner, hindi natin ito ina-attract pero gusto ko lang maintindihan mo kung ano ang sinasayang mo at ayaw ko din dumating sa punto na mawalan ka ng mahal sa buhay bago mo ma realized ito.
Ngayon last na tanong bago tayo magsimula, seryoso ka ba sa bawat oras na nilalaan mo sa business natin? Ginagawa mo ba ito para sa pamilya mo? o wala ka lang pakialam?
Ang mga areas na nangangailangan ng ating oras ay ang mga sumusunod:
· Social Engagement
· Family Matters
· Recreation /Pro-recreation
· Spirituality
· Hectic work Schedules
STEPS:
1. Develop a general work schedule
- Kailangan mong pag isipang mabuti kung ilang oras ang dapat ilalaan sa iyong personal needs, family, business, spirituality, at ibang areas of your life.
- 25% is good allotment for yourself.
- Every time na nagbigay ka ng commitment sa isang task dapat gumawa ka din ng timeline para sa sarili mo, wag mo kakalimutan na maglalaan ka sa iyong sarili ng 25%.
- Dapat magbigay ng oras at effort dito ang mga part timers, kasi madami silang dapat i-considered unlike sa mga full timers.
- Mas dapat itong seryosohin ng mga full timers para mamaximize nyo ang buong araw mo at lalo na kung ito lang ang source of income na iyong inaasahan.
.jpg)
2. Build flexibility into your schedules
- Just in case of biglaang activities, meeting or emergencies.
3. Prioritize your activities
- By identifying ng mga importanteng activities, meeting, presentation, event, fun/relaxation time at daily routines.
- Para malaman mo kung alin ang dapat mong i-priority sa pamamagitan ng sample question na ito sa iyong sarili. Say for example may dapat kang kausapin na prospect.
- “Ilang ba kailangan kong kausapin ngayon?” (e.g 20 prospects in 6 hours)
- "Ilang oras ang ilalaan ko para ma-interview at ma-qualified ang 20 persons sa loob ng 6 hours?”
- “kakailanganin ko ba ang tulong ng downline o leader ko para matapos ko ang task na ito?"
- “at kapag natapos ko na, ano ang susunod kong gagawin?”
- Depende po sa activities o schedules nyo, kasi na bahala mag adjust.
- Kasi hindi tayo pare pareho sa mga dapat i-prioritize kasi hindi rin tayo pare-pareho ng ginagawa o schedules.
.jpg)
4. Assess your option for achieving your priorities
- Kapag nasa point ka na ng evaluation kung alin ba talaga ang importante para sayo.
- keep in mind na huwag ka basta-basta magpapalit ng decisions about your activities maliban na lang kung yung gagawin mo ay makakapag save ka ng time pero kung doubtful ka sa decisions mo, it is much better na mag proceed ka na lang sa naumpisan mo.

5. Evaluate your capacity for stress and anxiety
- Start with the most worrisome task if at all possible.
- Sa pamamagitan nito ay magiging mababa ang stress at anxiety mo sa pagtatapos ng ibang task.
- And most of time ay mas magiging mataas ang improvement.
- You can take a break pag nararamdaman mo na nagiging overloaded ang utak mo.
- Alis ka muna sa harapan ng laptop, o desktop mo para makapag relax ka, at have some snacks sa tabi mo. Anything/ something na nakakaalis ng iyong stress.
- If may dapat kang tapusin o may deadline ka sa schedules mo, mas maganda kung mag start ka ng mas maaga, para di ka ma-hassle at magiging mataas ang self confidence mo kapag alam mo na na mamanage mo ng tama ang iyong oras.
- Be active din pag may time, sa mga paraan na alam mo ma rereduce ang iyong stress. Pwede kang mag lakad-lakad, magmerienda, makinig ng music, mag stretching o depende sa trip mo.
.jpg)
6. Delegate some task for which you lack the expertise to complete
.jpg)
- Ibigay mo ang ibang task mo sa downline at leader mo, para matutunan din nila ang iyong ginagawa.
- Syempre once na magbibigay ka ng task, tandaan mo na huwag kang maging “bossy”, “demanding”, “pushy” instead ay paniwalaan mo sila na kaya nila ang ipapagawa mo.
7. Stay organized
.jpg)
- Reserve some time at the end of each day to briefly organize your desk or work area and make to-do lists for the next day.
- Kaya importante na may planner ka o notebooks para anytime ay pwede mong i-review ang mga nagawa mo sa isang araw at magiging updated ka sa mga susunod mong gagawin.
Thank you and Good luck
To God be the Glory
No comments:
Post a Comment