Vision Board


7 EASY STEPS on how to 


 Vision Board
  • is a collage of images, pictures and affirmations of your dreams at ng mga bagay na nagpapasaya o magpapasaya sayo.
  • tinatawag din itong dream board, treasure map or vision map.
  • are a great way to make you feel positive, and are helpful if you are using the law of attraction.

STEPS:
  1. Mag decide ka kung anong theme ang gusto mo.. Base sa kung ano yung specific na gusto mong magawa o makuha. Mga tao, bagay, lugar o pangyayari na makapag papaasaya sayo.
 
     2. Maghanap ka ng mga gusto mong pictures from the old albums, magazines, books, newspaper o sa internet. 
    3. I-print mo o gupitin mo kung kinakailangan.
 
   4. Mag type ka o sulatan mo ng mga specific names, words of affirmation na gusto mo mangyari (mas maganda kung in past tense form), at date kung kailan mo gusto makuha.
 
  5. Start mo na ayusin kung saan mo ididikit o ipi-pin. It is much better kung magkahiwalay ang short at long term goals mo. (Pag-usapan natin yan sa goal setting.) 
 
   6. Ilagay o isabit mo na ang vision board mo kung saan lagi mo itong makikita. Pwedeng sa kuarto, sa working area mo, sa harapan ng laptop mo, sa living room, at kahit sa comfort room.
 
 
  7. The best na pagmulat pa lang ng mata mo sa umaga ay vision board mo na agad ang nakikita mo.Tingnan mo isa-isa at basahin mo yung mga nakalagay at i-feel mo na nakuha mo na lahat ng nakalagay sa board mo.
TIPS:
  • Mas maganda kung kumuha ka ng pinakamalaki at pinakamaganda mong picture at ilagay mo sa gitna ng vision board mo. Mas madali mong ma visualize at mainternalize na napapaligiran ka ng mga bagay na gusto mo.
Ilagay mo sa frame. Kung magaling ka naman mag drawing, pwede din yun.
  • Pwede mo ring gawing wallpaper sa cellphone, tablet o laptop mo. Basta kung saan mo lagi mo makikita.
  • Huwag kang matakot na palitan o magdagdag ng mga gusto mo.

Thank you and Good luck
To God be the Glory


No comments:

Post a Comment