GOAL SETTING
Partner, minsan ba pumasok sa isip mo bakit ang kulit ni upline, kasi pinipilit ka nya na gumawa ng dream board at mag compute ng target income mo? hahaha parang ako yata yung makulit na ito ah.. =)
Alam mo kasi, mahirap naman na nag join ka sa AIM tapos hataw ka ng hataw but in the end of the day hindi naman malinaw sayo ang mga ito:
- Anong mga specific na bagay ang gusto ko para sa sarili at sa pamilya ko?
- Magkano nga ba ang income na gusto mo for the first 6 months?
- Paano ko makukuha yung target income ko?
- Ilan dapat ang invites o prospect na kakausapin ko para mamet ang target income ko?
- Paano ba ang tamang approach sa mga prospect ko?
- Mataas na ba ang confidence level ko, para magsalita sa harapan ng ibang tao?
- Anu-ano pa ang mga kailangan kong malaman at mapanood para ma duplicate ako?
- Masasabi ko ba na kaya ko na talagang maging isang leader?
- Kaya ko na bang mag train ng mga leaders at downlines ko?
Kung ang sagot mo sa mga tanong ko ay “OO”, sige sige at hindi na kita encourage na dumaan sa training ko at hindi na kita kukulitin na mag set ng mga goals mo. Deal tayo dyan.
Ngayon kung ang sagot mo naman ay “HINDI”. Choice mo pa din if gusto mag pamentor o hindi. Kagaya ng lagi ko sinasabi Life is a Choice. Kung itutuloy mo itong training natin, syempre masaya ako na tulungan ka in every step of your way. Kasi kung alam kong hndi ito makakatulong sayo, e hindi na sana ako mag aaksaya din ng oras at effort para gumawa ng mga article na ito. Magbabakasyon na lang ako. hahahaha.. Joke lang, maaatim ko ba naman na wala kang matutunan. Di ba?
Ito pa ang ilan sa mga reason why kung bakit kailangan natin mag set ng goals.
- You can change something
- Kung mapapansin mo maraming tao ang walang katapusan sa pag-iisip na kasalukuyan nilang kalagayan at kung ano ang gagawin nila sa hinaharap. Malamang ay ganito ka rin mag-isip sa ngayon. Tama ba?
- Marami ang naghahangad na mabago ang buhay nila whether it is love life, family, career, business at sa finances. Lahat gusto ng pagbabago at magagawa mo yan sa pamamagitan ng goal setting.
2. You take control of your life
- Ang Goal ay parang GPS o Google map ng buhay natin.Ito ang nagbibigay sayo ng direction at kung saan ka dapat pumunta. It makes you vision about your ideal future and to turn it into reality.
- Isipin mo kung wala kang goals, para kang sumakay sa bus o jeep at kapag bababa ka na ang sasabihin mo ba sa driver ay “Manong, anywhere, somewhere, o kahit saan”? Di ba,hindi naman. Hindi maaaring bumyahe ka ng wala kang specific destination na pupuntahan. Nangyayari lang yan sa mga taong gustong tumakas o walang plano sa buhay. Alam ko naman ayaw mo mapagaya sa katulad nila.Tama ba?
3. You focus on important things
- Ang goals din ang tumutulong satin para ma sort out kung ano ang importante at hindi. Syempre mag fofocus ka lang sa mga bagay na gusto mo makuha at spend your precious time on them.
4. You will make good decisions
- Malalaman mo din kung ano ang dapat mong i-priority at tamang choices na pipilin base sa long term view na makatulong sayo.
5. Yo can finish the task efficiently
- Iiwas ka sa mga distractions at ilalaan mo lang ang oras at energy mo sa iyong mga task.
6. You will become confident at enthusiastic
- Kapag nasa process ka ng paggawa ng goals, nasusukat mo ang magiging results, nakikita mo na yung mga bagay na magagawa mo at kung ano ang iyong kakayanan, Sa paraang itong tumataas ang iyong confidence level at mas nag eenjoy ka sa mga ginagawa mo.
7. You will make progress
- Once na may nagagawa ka o may natatapos kang tasks/goals, mas gugustuhin mo mag level-up para.
- Mas magiging eager ka maka achieved ng higher set of goals.
No comments:
Post a Comment