Sunday, May 18, 2014

Isang Kahig, Isang tuka

Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.
What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!
Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.
Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.
Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.
Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.
The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands, just as we told you.”
***
Have fun investing (and spending nang pakurot!),
Omeng
 
PS: So okay lang  daw gumastos basta KUROT. So bawas-bawa muna sa pagDAKOT. At lalo naman sa pag HABLOT.
PS2: Ngayon alam nyo na rin kung bakit mahirap pa rin ang bansa natin ngayon. Ang meron kasi, hindi lang KUROT, DAKOT at HABLOT, kundi KURAKOT!
(from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo?”)

No comments:

Post a Comment